Quotation Explorer - 'Hindi'

Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras. - Bob Ong
Maaring Bartolo ang apelyido ko o Cruz o Santos-- pero apelyido 'yon na minana ko lang sa tatay ko, at minana ng tatay ko sa tatay niya. Oo nga pala,bakit puro sa tatay nagmamana ng apelyido? Bakit kahit minsan, hindi sa nanay? - Lualhati Bautista
Sa ngalan ng nagpangalan sa kanilang lahat. Sa ngalan ng mga hindi napangalanan at sa mga hindi mapangalanan. Sa ngalan ng tinatawag sa maraming pangalan : Orus, Onus, Defles, Burgos... - Allan Derain
Naisip kong hindi maaaring magkaroon ng perpektong buhay ang isang tao. Hindi natin makukuha ang lahat ng gusto natin. Hindi umaayon ang lahat sa kagustuhan natin. Walang exception doon. - Belle Feliz
Anger may not have been derived from the Hindi word 'angaar' meaning Fire...however coincidentally both are equally destructive. - ketan r shah
Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa. - Bob Ong
Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa puwang sa tabi mo... Ganyan ang senaryo sa bus. Ganyan din sa pag-ibig... Lalong 'di mo kontrolado kung kelan siya bababa. - Bob Ong
Hindi ba mas tama na sa halip na maliitin ang kabataan dahil sa binabasa nilang manunulat ay purihin sila sa pagbabasa, at saka samantalahin ang pagkakataon para hikayatin sila at ipakilala sa iba pang makabuluhang libro? O masyadong malaking abala 'yon sa inyo? - Bob Ong
Ang mga sagot ngayo'y baon-baon mo na sa kung saan ka man papunta. Sa paglisan mo ngayon, hindi ka na talaga babalik. Babalik ka man sa aking isip, nakaapak pa rin ako sa lupa kung saan bawat buhos ng ulan ay magsisimula akong mangarap muli. Ako na lang, mag-isa. - Don Vittorio C. Villasin
Click any word or name in a quote to explore, or search for more. [JSON] [SOURCE]